Skip to main content

Gasera

Ipinanganak ako sa nung panahong ang elektrisidad ay isang luho na wala pa sa aming lugar. Natatandaan ko pa, lagi kaming mayroong gasera.Pagsapit nang hapon, kailangan nalagyan na ng gas ang mga ilawan, habang maliwanag pa. Wala kaming aladin noon (Coleman ang brand ng sa mga lolo ko). Kalimitan e mga may-kaya lang ang meron nun. At karaniwang ginagamit kapag may pagtitipon o kasayahan. Ha ha! Naalala ko pa noon, kapag may kasalan, ganun ang ilaw.

Pero ang hindi ko makakalimutan na gamit ng gasera ay yung panahong kami ng tatay ko ay inaabot nang madaling-araw sa paglalaro ng ahedres. Kahit laging ako ang tagataya ng mga pyesa, ayos lang. Oras yun na nagugugol kasama ang tatay ko. Sa umaga nga laang, e di ang itim ng kulangot. Ha ha! Ang mga panahong yun, masarap alalahanin.

Comments

  1. The sequence is designed to balance high, low, odd, and even numbers. And on top of that, the wheels are different for European and American roulette. It’s 바카라사이트 not as sophisticated as it sounds although – a glance at|check out} the two variations you’ll come throughout below. An appropriately programmed digital laptop might give a convincing imitation of the behaviour produced by a human mind even when the mind is a partially random machine.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Aswete

Noong bata pa ako, ang sanga ng aswete ang isa sa mga paborito naming gawing trumpo. Ikaw nga, pag gawang aswete, ay maganda ang hugong. Naging paksa din ng mga biruan ang aswete at ang katangian nitong gumawa ng kakaibang tunog. Nang lumaon, kapag sinabihan kang gawa sa aswete, ibig sabihin nun ay mayabang o maangas ka, kase mahugong o maingay. Ha ha! Malalaman mo talaga ang pilantik ng diwa ng mga tambay sa ganun.

Kuhol

Kuhol. Sa unang bigkas pa lang ng salitang iyan ang nag-iimbita na ng pagbulusok ng mga alaala ng aking kabataan. Una, bilang pang-ulit (tease) sa aking nakatatandang kapatid. Ikalawa, ang kuhol ay mas malalim na kahulugan para sa akin. Nung bata pa ako, kami ng tatay ko ay inaabot ng ilang oras sa ilog sa pangunguha nito. Dumadayo pa kami sa Bayog kapag tag-init at doon nangunguha ng kuhol. Bagaman at ang pangunahing dahilan ng pangunguhol namin ay upang maiulam, para sa akin, higit pa roon ang naging papel ng kuhol. Ang mga oras na nakasama ko ang tatay ko, daig pa ang nakapamasyal sa Disneyland. Na naging ginintuan at mahalagang alaala, lalo na nung maaga s'yang kinuha ng Poong Maykapal. Naging daan din yun upang pahalagahan ko ang payak na pamamaraan nang pamumuhay ng aking pamilya. Bagama't salat kami sa mga karangyaan, lagi kaming masaya kung ano man ang nakahain sa aming hapag-kainan. Kuhol. Pako (fern). Puso ng saging. Dahon ng gabi (ginagawang laing). Ilan lamang s

Bataan Has Fallen

Seventy-seven years ago today, a radio broadcast from a secret location in the Philippines was made. RADIO BROADCAST MESSAGE, AS WRITTEN BY CAPTAIN SALVADOR P. LOPEZ, DELIVERED BY THIRD LIEUTENANT NORMANDO ILDEFONSO “NORMAN” REYES ON THE “VOICE OF FREEDOM” RADIO BROADCAST OF APRIL 9, 1942 FROM MALINTA TUNNEL, CORREGIDOR: Bataan has fallen. The Philippine-American troops on this war-ravaged and bloodstained peninsula have laid down their arms. With heads bloody but unbowed, they have yielded to the superior force and numbers of the enemy. The world will long remember the epic struggle that Filipino and American soldiers put up in the jungle fastness and along the rugged coast of Bataan. They have stood up uncomplaining under the constant and grueling fire of the enemy for more than three months. Besieged on land and blockaded by sea, cut off from all sources of help in the Philippines and in America, the intrepid fighters have done all that human endurance could bear. For what