Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2017

Ulam

"Ano'ng ulam nyo?", tanong ko sa kaibigan ko sa Batangas. "Wala nga, gulay lang.", sagot nya. Medyo naguluhan ako. Sa amin kase sa Mindoro, kapag sinabing ulam, yun ay ang kasama ng kanin kapag kumakain. Gulay, isda, karne, toyo, asin atbp, ay "ulam" ang pangkalahatang tawag. Iba pala sa Batangas. Araw-araw, ang ulam ay laging tampok bago pa man ang tyempo ng pagkain. "Ano kayang mai-ulam?". "Manguha nga kayo ng pako at nang magat-an." "Maglaing kaya tayo?" "Mamuso kayo sa kabila." "Wala nga palang bagoong." "Magkayod ka ng niyog." "Manguha ng kangkong." "Tirhan mo naman ang kapatid mo." Ilan lamang yan sa mga kalimitan naming naririnig sa nanay namin noon, kapag naghahanda na sa pagluluto at habang kumakain. Simpleng buhay. Simpleng pangangailangan. Minsan kinakapos. Subali't patuloy ang buhay. Ang pagsisikap. Noong nanirahan ako sa Batangas habang

Taglagas

Sa lugar na apat ang siklo ng panahon, isa ang taglagas sa mga paborito ko. Una ang tagsibol. Ang magagandang halamang tumutubo, ang makukulay na mga bulalak ng damo sa parang. Ang pagdiriwang ng pamumukadkad bulaklang ng seresa. Panahon ng taglagas ay nagpapaalala sa atin na walang permanente sa buhay. Oo nga at yumayabong sa panahon ng tagsibol at tag-init, dumarating ang oras upang ang mga iyon ay malagas. Upang bigyang-daan ang paghahanda sa paparating na taglamig. Sa parteng ito kase ng mundo, ang mga halamang hindi nakapaghanda para sa taglamig ay hindi nagtatagal. Ang pagbabago ng kulay ng mga dahon hanggang sa pagkalagas ng mga ito ay palatandaan na ang mga puno ay naghahanda na para sa lamig na paparating. Yan ang hiwaga ng kalikasan. Katulag ng mga halaman, ang tao din ay dapat maghanda sa pagbabago. Dahil ang siklo pagbabago lang ang natatanging tapat at maasahan na mangyayari. Ikaw,  handa ka na ba sa pagbabago?