Kuhol. Sa unang bigkas pa lang ng salitang iyan ang nag-iimbita na ng pagbulusok ng mga alaala ng aking kabataan. Una, bilang pang-ulit (tease) sa aking nakatatandang kapatid. Ikalawa, ang kuhol ay mas malalim na kahulugan para sa akin. Nung bata pa ako, kami ng tatay ko ay inaabot ng ilang oras sa ilog sa pangunguha nito. Dumadayo pa kami sa Bayog kapag tag-init at doon nangunguha ng kuhol. Bagaman at ang pangunahing dahilan ng pangunguhol namin ay upang maiulam, para sa akin, higit pa roon ang naging papel ng kuhol. Ang mga oras na nakasama ko ang tatay ko, daig pa ang nakapamasyal sa Disneyland. Na naging ginintuan at mahalagang alaala, lalo na nung maaga s'yang kinuha ng Poong Maykapal.
Naging daan din yun upang pahalagahan ko ang payak na pamamaraan nang pamumuhay ng aking pamilya. Bagama't salat kami sa mga karangyaan, lagi kaming masaya kung ano man ang nakahain sa aming hapag-kainan.
Kuhol. Pako (fern). Puso ng saging. Dahon ng gabi (ginagawang laing). Ilan lamang sa mga regular na ulam namin. Masaya na pag may sardinas.

Comments
Post a Comment