Skip to main content

Ulam

"Ano'ng ulam nyo?", tanong ko sa kaibigan ko sa Batangas.
"Wala nga, gulay lang.", sagot nya.

Medyo naguluhan ako. Sa amin kase sa Mindoro, kapag sinabing ulam, yun ay ang kasama ng kanin kapag kumakain. Gulay, isda, karne, toyo, asin atbp, ay "ulam" ang pangkalahatang tawag. Iba pala sa Batangas.

Araw-araw, ang ulam ay laging tampok bago pa man ang tyempo ng pagkain.

"Ano kayang mai-ulam?".
"Manguha nga kayo ng pako at nang magat-an."
"Maglaing kaya tayo?"
"Mamuso kayo sa kabila."
"Wala nga palang bagoong."
"Magkayod ka ng niyog."
"Manguha ng kangkong."
"Tirhan mo naman ang kapatid mo."

Ilan lamang yan sa mga kalimitan naming naririnig sa nanay namin noon, kapag naghahanda na sa pagluluto at habang kumakain.

Simpleng buhay. Simpleng pangangailangan. Minsan kinakapos. Subali't patuloy ang buhay. Ang pagsisikap.

Noong nanirahan ako sa Batangas habang nag-aaral sa Lyceum, doon ko naranasan ang iba pang antas ng pagtitiis. At syempre, kasama sa paksa ang ulam. Kapag nakita mong kalbo na ang malunggay sa harap ng boarding house namin, asahan mong wala na kaming allowance. Isang Knorr Chicken cube lang at isang katerbang dahon ng malunggay, ulam na. Minsan naman, kalahating Payless Instant beef noodles (para makadalwang kainan), ang ulam sa isang dakot na bigas na sinaing. Ganoon ang naranasan ko. Salamat sa Diyos at nalampasan ko rin sa wakas.

Comments

Popular posts from this blog

Aswete

Noong bata pa ako, ang sanga ng aswete ang isa sa mga paborito naming gawing trumpo. Ikaw nga, pag gawang aswete, ay maganda ang hugong. Naging paksa din ng mga biruan ang aswete at ang katangian nitong gumawa ng kakaibang tunog. Nang lumaon, kapag sinabihan kang gawa sa aswete, ibig sabihin nun ay mayabang o maangas ka, kase mahugong o maingay. Ha ha! Malalaman mo talaga ang pilantik ng diwa ng mga tambay sa ganun.

Kuhol

Kuhol. Sa unang bigkas pa lang ng salitang iyan ang nag-iimbita na ng pagbulusok ng mga alaala ng aking kabataan. Una, bilang pang-ulit (tease) sa aking nakatatandang kapatid. Ikalawa, ang kuhol ay mas malalim na kahulugan para sa akin. Nung bata pa ako, kami ng tatay ko ay inaabot ng ilang oras sa ilog sa pangunguha nito. Dumadayo pa kami sa Bayog kapag tag-init at doon nangunguha ng kuhol. Bagaman at ang pangunahing dahilan ng pangunguhol namin ay upang maiulam, para sa akin, higit pa roon ang naging papel ng kuhol. Ang mga oras na nakasama ko ang tatay ko, daig pa ang nakapamasyal sa Disneyland. Na naging ginintuan at mahalagang alaala, lalo na nung maaga s'yang kinuha ng Poong Maykapal. Naging daan din yun upang pahalagahan ko ang payak na pamamaraan nang pamumuhay ng aking pamilya. Bagama't salat kami sa mga karangyaan, lagi kaming masaya kung ano man ang nakahain sa aming hapag-kainan. Kuhol. Pako (fern). Puso ng saging. Dahon ng gabi (ginagawang laing). Ilan lamang s

Bataan Has Fallen

Seventy-seven years ago today, a radio broadcast from a secret location in the Philippines was made. RADIO BROADCAST MESSAGE, AS WRITTEN BY CAPTAIN SALVADOR P. LOPEZ, DELIVERED BY THIRD LIEUTENANT NORMANDO ILDEFONSO “NORMAN” REYES ON THE “VOICE OF FREEDOM” RADIO BROADCAST OF APRIL 9, 1942 FROM MALINTA TUNNEL, CORREGIDOR: Bataan has fallen. The Philippine-American troops on this war-ravaged and bloodstained peninsula have laid down their arms. With heads bloody but unbowed, they have yielded to the superior force and numbers of the enemy. The world will long remember the epic struggle that Filipino and American soldiers put up in the jungle fastness and along the rugged coast of Bataan. They have stood up uncomplaining under the constant and grueling fire of the enemy for more than three months. Besieged on land and blockaded by sea, cut off from all sources of help in the Philippines and in America, the intrepid fighters have done all that human endurance could bear. For what