Skip to main content

Posts

Kuhol

Kuhol. Sa unang bigkas pa lang ng salitang iyan ang nag-iimbita na ng pagbulusok ng mga alaala ng aking kabataan. Una, bilang pang-ulit (tease) sa aking nakatatandang kapatid. Ikalawa, ang kuhol ay mas malalim na kahulugan para sa akin. Nung bata pa ako, kami ng tatay ko ay inaabot ng ilang oras sa ilog sa pangunguha nito. Dumadayo pa kami sa Bayog kapag tag-init at doon nangunguha ng kuhol. Bagaman at ang pangunahing dahilan ng pangunguhol namin ay upang maiulam, para sa akin, higit pa roon ang naging papel ng kuhol. Ang mga oras na nakasama ko ang tatay ko, daig pa ang nakapamasyal sa Disneyland. Na naging ginintuan at mahalagang alaala, lalo na nung maaga s'yang kinuha ng Poong Maykapal. Naging daan din yun upang pahalagahan ko ang payak na pamamaraan nang pamumuhay ng aking pamilya. Bagama't salat kami sa mga karangyaan, lagi kaming masaya kung ano man ang nakahain sa aming hapag-kainan. Kuhol. Pako (fern). Puso ng saging. Dahon ng gabi (ginagawang laing). Ilan lamang s...

Tok! Tok! Tok!

Tao po! Ang magalang na pagtawag kapag dumating ka sa tahanan ng iba. Ginagamit ito upang magalang na humingi ng pansin mula sa mga namamahay. Maligayang pagdating sa talaan ng mga pangyayari na gusto kong ibahagi.O mga ideya na sumagi sa isipan na gusto ring maalala.