"Ano'ng ulam nyo?", tanong ko sa kaibigan ko sa Batangas. "Wala nga, gulay lang.", sagot nya. Medyo naguluhan ako. Sa amin kase sa Mindoro, kapag sinabing ulam, yun ay ang kasama ng kanin kapag kumakain. Gulay, isda, karne, toyo, asin atbp, ay "ulam" ang pangkalahatang tawag. Iba pala sa Batangas. Araw-araw, ang ulam ay laging tampok bago pa man ang tyempo ng pagkain. "Ano kayang mai-ulam?". "Manguha nga kayo ng pako at nang magat-an." "Maglaing kaya tayo?" "Mamuso kayo sa kabila." "Wala nga palang bagoong." "Magkayod ka ng niyog." "Manguha ng kangkong." "Tirhan mo naman ang kapatid mo." Ilan lamang yan sa mga kalimitan naming naririnig sa nanay namin noon, kapag naghahanda na sa pagluluto at habang kumakain. Simpleng buhay. Simpleng pangangailangan. Minsan kinakapos. Subali't patuloy ang buhay. Ang pagsisikap. Noong nanirahan ako sa Batangas habang ...
pamilya. paglimi. paglalakbay. pagbabalik-tanaw.